Rerouting scheme ipinatutupad sa Intramuros, Maynila ngayong long holiday
Simula alas-sais ng umaga kanina ay ipinatupad ang traffic and rerouting scheme sa Intramuros,Maynila kaugnay sa pagdagsa ng mga turista doon dahil sa long holiday.
Sa abiso ng Department of Tourism, sarado na sa motorista ang General Luna Street mula Postigo hanggang sa Sta. Potenciana Streets pero maaaring gamiting alternatibong daan ang Cabildo, Magallanes Drive, Muralla at Andres Soriano.
Tatagal ang rerouting scheme hanggang hatinggabi ng Sabado, Abril a-15.
Kaugnay nito, pinayuhan ng DOT ang mga turista na may dalang sasakyan na maari silang makapagpark sa magkabilang bahagi ng mga itinalagang lugar sa Andres Soriano Avenue at Magallanes Drive.
Isang side lamang ang maaaring pagparadahan ng mga sasakyan sa ilang portion ng Sto. Tomas, Beaterio, Anda, Real, Sta. Potenciana, Arzobispo, Solana, at Sta. Lucia Streets.
Ang paradahan ng mga sasakyan ay matatagpuan sa Maestranza, Fort Santiago, at Postigo habang ang mga bus ay maaari lamang magparke sa Bonifacio Drive.
Ulat ni: Moira Encina