Rescue efforts ipinatigil na pagkatapos ng lindol sa Nepal
Sinabi ng mga opisyal, na tinapos na ang search and rescue efforts matapos tamaan ng lindol ang Nepal, upang maituon na ang atensiyon sa pagbibigay ng tulong sa mga nakaligtas na naghihintay ng pagkain at matutuluyan, 36 na oras makalipas mangyari ang lindol.
Hindi bababa sa 157 katao ang namatay sa isolated western districts ng Himalayan country nang tumama ang 5.6-magnitude na lindol noong Biyernes.
Marami sa mga nakaligtas ang nagpalipas ng magdamag na lantad sa lamig ng gabi, matapos gumuho ang kanilang mga bahay.
Ilang katao ang nasawi sa village ng Nalgad, sa Jajarkot district na pinakamatinding pininsala ng lindol.
Sinabi ng 34-anyos na tubero, na nasawi ang kaniyang biyenang lalaki subalit ligtas naman ang nalalabi pang miyembro ng kanilang pamilya.
Aniya, “But the houses have buried everything with them, there is hardly anything to eat. No relief materials have reached us. People here desperately need food and tents.”
Sinabi ng mga opisyal na 105 katao ang namatay sa Jajarkot at 52 iba pa ang namatay naman sa katabi nitong Rukum district, habang mahigit sa 100 ang nasaktan.
Ayon kay provincial police spokesman Gopal Chandra Bhattarai, tinapos na ang search and rescue operations, “We are in touch with all areas and rescue operations have wrapped up. But we are still on alert as this is a remote area and there might be some isolated areas from where information has not flowed.”
Sinabi ni Harish Chandra Sharma, isang opisyal sa Jajarkot district, na ang pokus ngayon ay ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima.
Aniya, “It has been a tough night and we are trying to get relief materials to those affected by the quake. Some have been distributed but we need to reach all areas.”
Ang lindol ay naramdaman hanggang sa kabisera ng India na New Delhi, halos 500 kilometro (310 milya) mula sa sentro.