Researchers mula sa Pilipinas at Japan magtutulungan para sa mga proyekto sa water security
Inanunsiyo ng Department of Science and Technology (DOST) at ng Japan Science and Technology Agency (JST), ang kanilang partnership para sa mga research sa water security na nagkakahalaga ng $100 million.
Ang joint call ay ginawa sa ika-14 na anibersaryo ng DOST-Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD)
Ayon kay DOST- PCIEERD Executive Director Dr. Enrico Paringit, magtutulungan ang mga researcher mula sa Pilipinas at Japan para sa mga pananaliksik sa pagkakamit ng mga Pilipino ng access sa malinis at sustainable na tubig.
Sinabi naman ni JST Director Osamu Kobayashi na layon din ng programa na mapalakas pa ang kolaborasyon nito sa DOST.
Tatagal aniya ang nasabing research partnership sa loob ng limang taon.
Ayon kay Dr. Paringit, “Alam naman natin na bagama’t may mga lugar na may continuous water supply, meron pa rin na hindi pa nagkakaroon ng ligtas na suplay na tubig, so ang pagtutulungan ng mga joint researcher na ito ay makagawa ng mga teknolohiya upang mapabilis ang access natin sa mga water filtration water treatment.”
Moira Encina-Cruz