Resolusyon para imbestigahan ang umano’y hacking sa server ng COMELEC inihain sa Senado
Pinaiimbestigahan na ni Senador Francis Tolentino ang napaulat na hacking sa server ng Commission on elections.
Naghain na si Tolentino ng resolusyon para ipabusisi sa Committee on electoral reforms ang umano’y paghack sa ilang sensitibong data ng COMELEC at kung ano ang maaring maging epekto sa 2022 National elections.
Ayon sa Senador , kailangang masiguro na magkakaroon ng malaya at walang dayaang eleksyon batay sa itinakda ng batas.
Crucial aniya ang magiging resulta ng halalan dahil dito nakasalalay ang demokrasya.
Dapat rin aniyang malaman kung hanggang saan ang mga impormasyong posibleng nakuha ng mga hacker at kung nakumpromiso ba ang mga sensitibong impormasyon ng mga botante.
Paalala ni tolentino karapatan ng estado na protektahan ang personal na impormasyon ng lahat ng botante batay sa itinakda ng data privacy law.
Meanne Corvera