Resolusyon para paimbestigahan ang pagpatay sa mga Paring Katoliko, inihain sa Senado
Pinaiimbestigahan na ni Senador Risa Hontiveros sa Senado ang sunod -sunod na kaso ng pagpatay sa mga Paring Katoliko.
Naghain si Hontiveros ng Senate resolution 764 para hilingin na busisiin ng Senate committee on Public Order ang mga kaso ng pagpatay.
Nais malaman ni Hontiveros kung ang mga pagpatay ay bahagi ng tokhang na bunga ng nga pag atake ni Pangulong Duterte sa simbahang Katolika.
Malinaw kasi aniya na isa ang simbahang katolika sa matinding bumabatikos sa war on drugs ng gobyerno at mga kaso ng karahasan at paglabag sa katapatang pantao na nangyari sa ilalim ng Duterte administration.
Nakakabahala aniya ang sunud-sunod na kaso ng pagpatay na nangyari sa loob lamang ng tatlong buwan.
Ulat ni Meanne Corvera