Resolution para sa pagtatag ng medium term fiscal plan para sa Marcos Jr administration inihain sa Kamara
Inihain ni House Ways and Means Committee Chairman Albay Congressman Joey Salceda ang House Resolution Number 6 na lilikha ng Medium Term Fiscal Plan para sa National Government sa ilalim ng Ferdinand Marcos Jr. administration.
Sinabi ni Congressman Salceda na ang kanyang resolution ay mayroon ng counterpart sa Senado na lalong magpapalakas sa National Infrastructure Development Framework ng bansa.
Ayon kay Salceda ang kanyang panukala ay magbibigay prioridad sa 16 na key areas na kinabibilangan ng agriculture, logistics, digital economy, disaster resiliency, healthcare, tourism, education and skills development, energy, housing, economic super regions, growth-supporting infrastructure, maritime connectivity, peace-supporting infrastructure in the Bangsamoro and other former conflict areas.
Inihayag ni Salceda ang Build Build Build Infrastructures program ng Marcos Jr. administration ay mas malaki pa sa Build Build Build program ng nakalipas na Duterte administration dahil ito ay gugugol ng 6 percent ng Gross Domestic Product o GDP ng bansa na may katumbas na halagang 2.25 trilyong piso hanggang 2028.
Vic Somintac