Resulta ng 2020/2021 Bar Exams, ilalabas sa Abril 12
Magpapatawag ng special en banc session ang Korte Suprema sa Abril 12 para sa paglalabas ng resulta ng 2020/2021 Bar Examinations.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, kapag naaprubahan ng en banc sa kanilang sesyon sa darating na Martes ang report ni Bar Chairperson at Justice Marvic Leonen ukol sa idinaos na kauna-unahang computerized at regionalized bar exams ay ilalabas na ang resulta nito.
Nasa 11,300 ang kumuha ng pagsusulit na isinagawa noong Pebrero 4 at 6 sa 31 local testing centers.
Sa NCR, ilan sa mga pinagsagawaan ng bar exams ay sa UST, FEU, at De La Salle University sa Maynila.
Samantala, inanunsiyo ng SC PIO na itinakda ang panunumpa ng mga bar passers sa Mayo 2.
Pero sa ngayon ay wala pang detalye kung saan at anong oras gaganapin ang oath taking ng mga bagong abogado at ang iba pang detalye ng seremonya.
Moira Encina