Resulta ng imbestigasyon ng Senado sa Atio hazing slay case, inilabas na….anumang uri ng initiation rites, ipagbabawal na
Inirekomenda na ng Senado ang tuluyang pagbabawal ng hazing o anumang
uri ng initiation rites.
Nakapaloob ito sa committee report ng Committee on Public Order and
Dangerous Drugs at Justice Committee matapos ang imbestigasyon sa kaso
ng pagkamatay ng Law student na si Horacio Atio Castillo III.
Sa committee report na pirmado na ng labing anim na senador at
inindorso ni Senador Panfilo Lacson sa plenaryo, pinaaamyendahan na sa
Senado ang Republic Act 8049 o Anti hazing law.
Ito’y para tuluyan nang ipagbawal ang lahat ng uri ng initiation rites
sa mga fraternities, sororities o anumang organisasyon kasama na ang
military at citizens army training.
Nais rin ng Senado na simplehan ang parusang ipinapataw sa paglabag sa
anti hazing law kung saan kasama nang paparusahan ang mga miyembro ng
fraternity kahit hindi direktang sumama sa hazing.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===