Resulta ng plebesito inaasahang mailalabas matapos ang apat na araw; 95%-100% voter turn out inaasahan ng Comelec

Inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na mailalabas ang resulta  ng January 21 plebiscite matapos ang apat na araw.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, manu-mano ang magiging bilangan ng boto.

Samantala, 95 % to 100 % na voter turnout ang inaasahan ng poll body para sa plebisito sa Bangsamoro Organic Law.

Patuloy naman ang paalala ng Comelec sa mga botante sa tamang paraan ng pagboto.

Sinabi ni Jimenez na ‘yes’ at ‘no’ lamang sa English at dialekto na katumbas ng salitang ito ang tatanggaping sagot mula sa mga boboto.

Anya hindi tatanggapin ang ‘check’ o ‘ekis’ na sagot at anumang simbolo na pamalit sa ‘yes’ o ‘no’.

Nasa 2.1 Million ang balota na inihanda ng COMELEC para nitong Enero 21 habang nasa 600,000 hanggang 700,000 naman para sa ikalawang araw ng plebisito sa Pebrero 6.

Ang BOL ay kinakailangang dumaan sa plebisito kung saan pagbobotohan ng mga rehistradong botante sa mga lugar na balak saklawin ng Bangsamoro Autonomous Region kung nararapat ba itong ratipikahan o pahintulutan.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *