Retired Judge ng Pasay RTC, pinagmulta ng SC
Pinagmulta ng Korte Suprema ng kalahating milyong piso ang isang retiradong hukom ng Pasay City RTC dahil sa pagiging bias.
Sa per curiam decision NG Supre Court en banc, napatunayang guilty ng gross ignorance of the law, undue delay in rendering an order, at bias and partiality si retired Judge Pedro DL.Gutierrez, ng dating Branch 119 ng Pasay RTC.
Dahil dito iniutos ng Korte Suprema na ibawas sa kanyang retirement benefits ang multa rito na 500 thousand pesos.
Ang parusa laban sa Judge ay kaugnay sa naging paghawak nito sa kaso ng expired lease contract ng Cultural Center of the Philipppines at mga tenant.
Una nang napatunayan ng Court of Appeals noong November 2013 na umabuso ang Judge nang magpalabas ito ng writ of preliminary injunction pabor sa mga tenant kahit walang isinagawang full blown trial.
Binigyang merito rin ng SC ang paulit-ulit na kahilingan ng CCP na mag-inhibit sa kaso ang hukom.
Sa halip na bitawan ang kaso ay inatasan pa ng Judge ang mga partido na pumasok sa compromise agreement ukol sa inilagay na bakod ng CCP sa labas ng pinarentahang pasilidad at pinaboran muli ang mosyon ng mga tenant
Ayon sa SC, nakakabahala ang pagmamatigas ni Gutierrez na hawakan ang kaso nang walang malinaw na dahilan at kahit may balidong batayan para ito mag-inhibit.
Ulat ni : Moira Encina