Reward money, ipagkakaloob sa sinumang makakapagturo sa gunman ni DJ Jhonny
Magkakaloob ng P100,000 reward money sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng gunman ng DJ sa Calamba, Misamis Occidental.
Ito ang inihayag ni Presidential Task Force On Media Security (PTFoMs) Executive Director Usec. Paul Guiterrez sa panayam ng programang ASPN.
Aniya, patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon katuwang ang ibang ahensiya ng Pamahalaan para sa agarang ikalulutas ng kaso ni Juan Jumalon.
Si Jumalon ay mas kilala bilang DJ Johnny Walker ay nagbobroadcast sa loob ng kaniyang bahay sa Barangay Don Bernardo A. Neri nang ito ay pasukin ng suspek at pagbabarilin.
Please follow and like us: