Rice price ceiling isinasapinal na ng DSWD at DTI
Nagpulong na ang Department of Social Welfare and Development o DSWD at Department of Trade and Industry o DTI para isapinal ang listahan ng mga benipisaryo ng ipapamahaging cash assitance ng gobyerno sa mga apektadong rice retailers kaugnay ng pagpapatupad ng rice price ceiling sa ilalim ng executive order number 39 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pinag-usapan nina DSWD secretary Rex Gatchalian at DTI undersecretary Carol Sanchez kung papaano maaayos at mabilis na maipapahagi ang cash payout sa mga apektadong rice retailers dulot ng price ceiling sa bigas.
Napagkasunduan na ang DSWD ang mamamahala sa distribution ng 15 thousand pesos na cash assistance sa bawat benipisaryong rice retailers sa ilalim ng sustainable livelihood program at ang DTI ang mag-a-identify kung sino-sino ang tatanggap sa pamamagitan ng grievance and complaint mechanism ng ahensiya.
Inihayag ng DSWD at dti na uunahin ang National Capital Region o NCR sa gagawing cash assistance distribution at isusunod ang ibat-ibang rehiyon sa bansa.
Vic Somintac