Rice self sufficiency ng bansa posible sa susunod na 3 taon – SINAG
Posibleng matamo ng Pilipinas ang hangad ng Marcos Administration na rice self sufficiency sa susunod na tatlong taon.
Sinabi ni Rosendo So, chairperson ng Samahang Industriya ng Magsasaka (SINAG) na unti-unti nang tumataas ang produksyon ng bigas sa bansa.
Sa harap ito ng mga ipinatutupad na programa ng Marcos administration, gaya ng subsidy sa mga magsasaka at direksyon na bawasan ang rice importation.
“With the fertilizer subsidy and of course the direction ng ating Pangulo to less import by this year and next year, sa tingin natin kayang lumaki ang production,” pahayag ni So sa panayam ng NET25 TV/Radyo program Ano sa Palagay Nyo? (ASPN).
Paborable rin aniya sa bansa ang pananatili ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., bilang concurrent secretary sa Department of Agriculture.
“Nakita naman natin yung China nagbigay ng almost 400,000 box ng urea fertilizer sa Pangulo for our farmers so magandang ano yan baka yung ibang countries din dahil secretary, as concurrent secretary ang ating Pangulo, baka magbigay din ng mga agri product na makakatulong sa ating local producers,” paliwanag pa ni So.
Posible namang maramdaman ang hangad ni Pangulong Marcos na maibaba sa P20/kilo ang halaga ng bigas sa susunod na dalawa o tatlong taon pa.
Makikita aniya ang epekto ng dagdag na produksyon sa presyo sa Nobyemre o Disyembre ng taong ito dahil sa nasabing mga buwan pa lamang ang anihan.
Sa ngayon kasi ay planting season pa lamang ang buwan ng Hunyo at Hulyo.
Ayon pa kay So, “It will take 6 moths, harvest is bet November and December at dun pa lang mapi-feel ang pagbaba ng presyo.”
Weng dela Fuente