Rice Tarrification Law rerebisahin – Senado
Rerebisahin na ng senado ang kontrobersyal na rice tarrification law o batas na nagpapahintulot sa malayang importasyon ng bigas kapalit ng kinokolektang buwis
Ayon kay senate President Juan Miguel Zubiri kailangan nang busisiin ang batas dahil hindi naman nasunod ang layon nitong maresolba ang problema sa bigas.
Katunayan nito ang patuloy na pagsirit ng presyo ng bigas sa mga pamilihan kaya nagtakda na ng price cap ang Pangulo
Nais ni Zubiri na maipatawag sa pagdinig ng senado ang mga opisyal ng Department of Agriculture, Trade and Commerce at iba pang ahensyang nagpapatupad ng batas para alamin saan nagkaroon ng pagkukulang
Nakasaad sa batas na papayagan ang malayang rice importation kapalit nyan ang 35 percent na buwis na ipapataw ng gobyerno
Sa nakokolektang buwis 10 billion ang inilaang para sa mechanization o tulong sa mga magsasaka para maging competitive sa mga rice producing country
Sabi ni Zubiri dapat tingnan kung talaga bang napapakinabangan ito ng mga magsasaka at kung tumaas nga ba ang rice production apat na taon matapos itong maisabatas
Meanne Corvera