Rides sa Disney World isinara muna dahil sa isang oso
Napilitang isara ang ilang atraksiyon sa Magic Kingdom ng Disney World sa Florida, hanggang sa mahuli ang isang itim na oso na namataan sa lugar.
Ayon sa local television station na Fox 35, mahigit sa isang dosenang sikat na rides sa Orlando theme park ang isinara matapos mamataan ang oso sa isang puno, kabilang ang “Haunted Mansion” at “Pirates of the Caribbean.”
Sinabi ni Lisa Thompson, tagapagsalita para sa Florida Fish and Wildlife Conservation Commission, “During the fall, bears are more active as they search for food to pack on fat reserves for the winter. This particular bear was likely moving through the area searching for food.”
Dagdag pa nito, “In most cases, it is best for bears to be given space and to move along on their own. But given this situation, staff have captured the animal and are relocating the bear out of the park to an area in or around the Ocala National Forest.”
Ang Walt Disney World ay isa sa pinakamalaking tourist attractions sa mundo, at milyong katao ang bumibisita rito bawat taon.