Roblox, gagamitin ang popular nilang game platform para suportahan ang bagong proyektong pambata
Gagamitin ng video gaming platform na Roblox ang malaking katanyagan nito sa mga batang gamers, upang suportahan ang mga proyekto kung saan isinasama ang educational video games sa school programs.
Sa pamamagitan ng kanilang Lego-like avatars at easy-to-learn coding para sa younger programmers, ang online gaming app ay naging popular sa mga kabataan na ang karamihan ay wala pang 16 anyos.
Sa ngayon ang Roblox ay isa nang venue kung saan ang mga estudyante ay natututo ng computer coding skills habang nagdidisenyo ng mga laro na kanila namang ibabahagi sa mga kaibigan.
Ang mga proyekto na tumanggap na ng initial set of grants galing sa isang $10 million pool mula sa Roblox ay kinabibilangan ng “Destination Mars” journey, na binubuo na ng Museum of Science sa Boston.
Ayon sa isang description ng proyekto, layunin nito na ang mga estudyante ay makapagsagawa ng virtual exploration sa International Space Station, at makatuwang sa pag-develop ng mga sistema para suportahan ang human life sa Mars.
Ayon sa founder at chief executive na si David Baszucki . . . “Instead of reading about ancient Rome, for example, students will be able to go there and explore the Colosseum together.”
Sinabi naman ni Rebecca Kantar ng Roblox . . . “The goal is to have 100 million students learning on the Roblox platform by the end of this decade, with an eye toward a future of learning happening in the immersive online worlds.”
Hanggang noong August, bahagyang higit sa 43 milyong katao na ang gumagamit ng Roblox araw-araw, ayon sa market tracker na Statista. (AFP)