Roll signing ng mga pumasa sa 2020/2021 Bar Exams, isasagawa regionally

Nagsimula na ngayong Mayo 4 ang roll signing ng mga matagumpay na 2020/2021 bar examinees.

Sa abiso ng Office of the Bar Confidant, ang paglagda sa roll of attorneys ng mga bagong abogado ay isasagawa sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Para sa NCR at Luzon, ang roll signing ay sa Korte Suprema sa Maynila mula Mayo 4 hanggang 24 at Hunyo 6 hanggang 17 sa ganap na 8:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali at 1:30 ng hapon hanggang 4:30 ng hapon.

Sa Visayas, ito ay isasagawa sa IBP Building sa Capitol Compound sa Cebu City, Cebu mula Mayo 30 hanggang Hunyo 3 habang sa Mindanao ay sa Cagayan de Oro City Hall of Justice mula Mayo 26 hanggang 28 sa mga parehong oras.

Tanging ang mga nabigyan ng clearance at dumalo sa oath-taking ceremony noong Lunes ang papayagan na lumagda sa Roll of Attorneys.

Moira Encina

Please follow and like us: