Routine Immunization Program para sa mga bata, isinagawa sa Cagayan
Inilunsad sa bayan ng Iguig sa Cagayan, ang Routine Immunization Program o pagbabakuna para sa mga batang edad 45 days hanggang isang taong gulang.
Ang pagbabakuna na isinagawa ngayong araw (Oct.6), ay pinangunahan ng medical personnel ng Iguig Rural Health Unit (RHU).
Tatlong klase ng bakuna ang ibinigay sa mga bata. Una ay ang Pentavalent vaccine na panlaban sa diphteria, pertussis, tetanus, influenza B at Hepatitis B, ikalawa ay ang oral polio vaccine at ikatlo ay ang PCV na panlaban naman sa pneumonia at meningitis.
Laking pasasalamat ng mga magulang sa programang ito ng gobyerno para sa kanilang mga anak.
Ayon sa Dept. of Health, ang programa ay makatutulong upang maiwasan ang pagkalat at paglaganap ng vaccine-preventable diseases.
Tiniyak naman ng mga tauhan ng RHU, na sa pagsasawa nila ng regular na pagbabakuna sa mga batang wala pang isang taon, kabilang na ang supplemental o catch-up, ay nasusunod pa rin ang ipinatutupad na safety at health protocols.
Joana Marie Viray