Rules ng PNP Internal Affairs Service at NAPOLCOM sa pagdisiplina sa mga pulis na nasasangkot sa ibat ibang kaso, rerepasuhin ng Senado

 

Rerepasuhin na ng Senado ang ginagamit na batayan o rules ng Philippine National Police Internal Affairs Service at National Police Commission sa pagdisiplina sa mga pulis na nasasangkot sa ibat ibang kaso.

Kasunod ito ng kaso ni Supt. Marvin Marcos at labingwalong tauhan na nabigyan pa ng magandang pwesto kahit may kinakaharap na kaso dahil sa pagpatay kay Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, Chairman ng Senate Comm. on Public Order, ipapatawag nila sa pagdinig sa pagbubukas ng sesyon ang mga opisyal ng PNP dahil sa ginawang pagpilipit sa batas.

Una nang kinuwestyon ni Lacson ang desisyon ni PNP Chief Ronald dela Rosa na back on duty na si Marcos at mga tauhan dahil napagsilbihan na nila ang apat na buwang suspensyon.

Sa rekomendasyon ng komite ni Lacson na nag imbestiga sa pagpatay kay Espinosa, inirekomenda nito ang pagsasampa ng kasong murder laban kay Marcos at mga tauhan nito.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *