Ruling ng SC na nagpapahintulot sa commercial fishing sa municipals waters, hiniling ng grupo ng mga mangingisda na baligtarin

0
SC-BUILDING-FRONT-540x340

Kasabay ng ika-27 anibersarsyo ng pagsasabatas sa Fisheries Code of the Philippines, sumugod sa Korte Suprema ang grupo ng maliliit na mga mangingisda para i-protesta ang desisyon ng Supreme Court na pumapayag sa commercial fishing sa loob ng 15-kilometer municipal water zone.

Nais ng mga mangingisda na bawiin ng SC First Division ang ruling nito na nagsasabing labag sa Saligang Batas ang probisyon sa Fisheries Code na nagbabawal sa komersyal na pangingisda sa mga municipal water.

Ayon sa grupo, binubura ng desisyon ang pagsisikap nila na mapaunlad ng lokal na industriya ng pangisdaan.

Binuweltahan din ng mga mangingisda ang gobyerno dahil mas pinapaboran nito ang interes ng mga malalaking korporasyon at commercial fishing firms, na silang sumisira sa mga pangisdaan kaysa sa kabuhayan at kapakanan ng maliliit na mga mangingisda.

Ayon kay Pablo Rosales, PANGISDA Pilipinas president, “Mahaba ang kwento ng pagsasabatas ng Fisheries Code of 1998. Mga konkreto, siyentipikong pag-aaral at mga pag-aaral mismo ng mga dalubhasa ang nagtakda para isabatas ang Fisheries Code of 1998 sa ngalan ng pagpapanumbalik ng likas na kayamanan ng ating pangisdaan. 27 taon na po ang Fisheries Code of the Philippines, ngayon lang lilitaw na unconstitutional ang batas. Kung papasukin ng commercial ang aming pangisdaaan baka wala na kaming mahuli, madaragdag pa kami sa mga taong walang hanapbuhay.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *