Russia at Ukraine, hinimok ng Pilipinas na sundin ang March 16 decision ng International Court of Justice
Hinimok ng Pilipinas ang Russia at Ukraine, na sundin ang desisyon ng International Court of Justice (ICJ), na nagpapaalala sa mga estado “upang kumilos alinsunod sa kanilang mga obligasyon sa ilalim ng Charter ng United Nations at iba pang mga tuntunin ng internasyonal na batas” sa gitna ng nagpapatuloy na karahasan sa Ukraine.
Sa isang pahayag, “nabanggit” din ng Pilipinas ang utos ng ICJ noong Marso 16 na nagsanga mula sa aplikasyon ng Ukraine para sa pagsisimula ng mga paglilitis laban sa Russia, kasunod ng mga operasyong militar nito laban sa kaniyang karatig na bansa.
Sa utos, ang ICJ ay nagpahayag ng malalim na pag-aalala tungkol sa paggamit ng puwersa ng Russia at ang patuloy na pagkawala ng buhay at pagdurusa ng mga tao sa Ukraine.
Sinamantala ng Pilipinas ang pagkakataon na muling pagtibayin ang “buong suporta” para sa ICJ at hinimok kapwa ang Russia at Ukraine “to continue exerting every effort ‘short of the latter surrendering any portion or particle of a state’s sovereignty and the rights, privileges, and prerogatives pertaining thereto — war is not the worst evil nor is peace at the price of submission — to peacefully settle their dispute in the interest of upholding the rule of law and maintaining international peace and security.”
Ang North Atlantic Treaty Organization (NATO), na isang intergovernmental military alliance ng hindi bababa sa 28 European countries at ang US, kasama ng iba pa, na dati nang kinondena ang aksiyon ng Russia nguni’t hindi nagpadala ng military troops para tulungan ang Ukraine, ay nagsagawa kamakailan ng isang serye ng emergency summits kaugnay ng insidente.
Inakusahan ng Russia ang NATO ng pagbalewala sa kanilang security concerns, sa gitna ng pagtanggap ng NATO sa mga bansa sa Europa malapit sa Russian borders sa alyansa.
Bago ang operasyon ng Russian military sa Ukraine, ang bansa ay nagpahayag ng pagnanais na umanib sa alyansa.