Russia inakusahan ng Amnesty ng war crimes sa Kharkiv
Inakusahan ng Amnesty International ang Russia ng war crimes sa Ukraine, sa pagsasabing ang pag-atake nito sa Kharkiv, na ang karamihan ay ginamitan ng ipinagbabawal na cluster bombs, ay pumatay ng daan-daang mga sibilyan.
Sa kanilang report tungkol sa pangalawang pinakamalaking siyudad sa Ukraine, sinabi ng rights group . . . “The repeated bombardments of residential neighborhoods in Kharkiv are indiscriminate attacks which killed and injured hundreds of civilians, and as such constitute war crimes.”
Ayon sa Amnesty International . . . “This is true both for the strikes carried out using cluster (munitions) as well as those conducted using other types of unguided rockets and unguided artillery shells. The continued use of such inaccurate explosive weapons in populated civilian areas, in the knowledge that they are repeatedly causing large numbers of civilian casualties, may even amount to directing attacks against the civilian population.”
Ayon sa grupo, nakakuha sila ng mga katibayan ng paulit-ulit na paggamit ng Russian forces ng 9N210 at 9N235 cluster bombs at scatterable land mines sa Kharkiv, na lahat ay ipinagbabawal sa ilalim ng international conventions.
Ang mga cluster bomb ay naglalabas ng dose-dosenang mga bomblet o granada sa hangin, at kumakalat ito sa daan-daang metriko kuwadrado.
Ayon sa Amnesty . . . “Scatterable land mines combine the worst possible attributes of cluster munitions and antipersonnel land mines. Unguided artillery shells have a margin of error of over 100 meters.”
Sa report na may pamagat na “Anyone Can Die At Any Time,” nakadetalye kung paano sinimulang targetin ng Russian forces ang civilian areas ng Kharkiv sa unang araw ng kanilang pananakop noong February 24.
Nagpatuloy ang “walang humpay” na pambobomba sa loob ng dalawang buwan, na nagdulot ng “wholesale destruction” sa lungsod na may 1.5 milyong populasyon.
Ayon kay Donatella Rovera, Senior Crisis Response Adviser ng Amnesty International . . . “People have been killed in their homes and in the streets, in playgrounds and in cemeteries, while queueing for humanitarian aid, or shopping for food and medicine. The repeated use of widely banned cluster munitions is shocking, and a further indication of utter disregard for civilian lives. The Russian forces responsible for these horrific attacks must be held accountable.”
Ipinarating ng Military Administration ng Kharkiv sa Amnesty, na 606 na mga sibilyan ang napatay at 1,248 ang nasugatan sa rehiyon mula nang magsimula ang pananalakay ng Russia.
Ang Russia at Ukraine ay hindi bahagi ng international conventions na nagbabawal sa cluster munitions at anti-personnel mines.
Subalit binigyang diin ng Amnesty . . . Iinternational humanitarian law prohibits indiscriminate attacks and the use of weapons that are indiscriminate by nature. Launching indiscriminate attacks resulting in death or injury to civilians, or damage to civilian objects, constitutes war crimes.”
Inimbestigahan ng Amnesty ang 41 Russian strikes na pumatay sa hindi bababa sa 62 katao at sumugat sa hindi bababa sa 196. Nakipag-usap din ito sa 160 katao sa Kharkiv sa loob ng dalawang linggo noong Abril at Mayo, kabilang ang survivors, kamag-anak ng mga biktima, witnesses at mga doktor.
Ayon naman sa Ukraine, naglunsad ito ng higit sa 12,000 war crimes mula nang mag-umpisa ang giyera.
© Agence France-Presse