Russia, inatasan ang kaniyang mga sundalo na lisanin na ang Kherson sa Ukraine
Inatasan ng Russia ang kanilang puwersa na lisanin na ang siyudad ng Kherson sa Ukraine.
Ang Kherson City ang unang urban hub na nasakop ng Russia sa kanilang “special military operation” at tanging regional capital na kontrolado ng Moscow forces simula nang sumalakay sila noong February 24.
Inanunsiyo ni Russian Defense Minister Sergei Shoigu na inatasan niya ang mga sundalo na umalis na sa magkabilang panig ng Dnieper River.
Sinabi naman ni Gen. Sergei Surovikin, commander ng Russian forces sa Ukraine, na ang mga sundalo ay maaaring i-relocate sa ibang lugar.
Ayon kay Presidential adviser Mykhaylo Podolyak, “Some Russian troops remained in the city. We see no signs that Russia is leaving Kherson without a fight.”
Pahayag naman ni Andriy Orikhovskyi, isang 46-anyos na financier, “The Russian leadership is playing something, you shouldn’t trust them… I think they are up to something. We have to wait for what our official sources say.”
Ang Kherson ay isa sa apat na Ukrainian regions na idineklara ng Russia na nasakop na nila noong Setyembre, ilang sandali makaraang mapilitang umatras sa mga teritoryo sa northeastern Kharkiv region.
Ang announcement ng retreat ay ginawa ilang oras lamang matapos sabihin ng opisyal na ang Moscow-installed deputy head ng Kherson region, na si Kirill Stremousov, isang pangunahing supporter ng pananakop, ay namatay sa isang car crash.
© Agence France-Presse