Russia, magpapadala ng virus specialists sa South Africa
Inihayag ni President Vladimir Putin, na magpapadala ang Russia ng virus specialists sa South Africa para magtatag ng isang Covid-19 lab doon, matapos ang pagkakadiskubre sa bagong Omicron variant.
Ang pangako ay ginawa ng Russian leader, nang makausap niya sa telepono ang kaniyang counterpart mula sa South Africa na si Cyril Ramaphosa, na nagpasalamt naman sa Russia para sa kooperasyon nito.
Nakasaad sa pahayag ng Russia . . . “An agreement was reached to send a group of Russian virologists, epidemiologists, researchers and doctors, as well as a sanitary-epidemiological laboratory and other medical equipment to South Africa in the very near future.”
Ang pagkakadiskubre sa unang Omicron cases dalawang linggo na ang nakalilipas, ay nakasabay ng pagtaas sa bilang ng mga impeksiyon sa buong mundo, at ang Omicron ay nakaragdag pa sa alalahanin tungkol sa isang “global Covid resurgence.”
Ang Russia sa pagsisimula ng pandemya ay inakusahan ng pamumulitika sa pamamagitan ng virus aids, at ayon sa mga kritiko ang pagpapadala nito ng military doctors at medical equipments sa Italya at Serbia ay sinadya upang makakuha ng pabor sa Europa.
Noong 2020, nagpadala ang Moscow ng isang shipment ng ventilators sa Estados Unidos sa ilalim ng administrasyon ni Donald Trump, ngunit hindi ito nagamit dahil ayaw gumana.
Ayon sa health ministry ng Russia, nakapagtala na sila ng unang dalawang kaso ng bagong variant mula sa mga Rusong bumalik sa bansa galing sa South Africa. (AFP)