Russia, nagpakawala ng anti-ship missiles sa mock target sa Sea of Japan
Inihayag ng defense ministry ng Russia, na nagpakawala ang kanilang navy ng anti-ship missiles sa mock targets sa Sea of Japan sa panahon ng military exercises.
Ang Pacific Fleet drills ng Russia ay ginawa isang linggo matapos bumisita ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Ukraine, upang makipagkita kay Ukrainian leader Volodymyr Zelensky.
Sa isang pahayag ay sinabi ng ministry, “In the waters of the Sea of Japan, missile boats of the Pacific Fleet fired Moskit cruise missiles at a mock enemy sea target. Two ships took part in the exercise. The target, located at a distance of about 100 kilometers (62 miles), was successfully hit by a direct hit from two Moskit cruise missiles.”
Ayon sa Moscow, pinangasiwaan ng naval aviation ang “kaligtasan ng naturang combat exercise.”
Noong isang linggo, sinabi ng Russia na dalawa sa kanilang Tu-95 strategic bomber planes ang lumipad sa airspace sa ibabaw ng neutral waters sa Sea of Japan.
Matatandaan na ang Japan ay sumama sa Western allies sa pagpapataw ng parusa sa Russia kaugnay ng opensiba nito sa Ukraine.
Ang far eastern Pacific coast ng Russia ay hiwalay sa Japan sa pamamagitan ng makipot na Sea of Japan.
© Agence France-Presse