Russian airborne troops lumanding na sa Kharkiv, Ukraine
Lumanding na ang Russian airborne troops sa eastern Ukrainian city ng Kharkiv ngayong Miyerkoles ayon sa Ukrainian army, at idinagdag na nagkaroon agad ng labanan.
Ayon sa statement ng army . . . “Russian airborne troops landed in Kharkiv… and attacked a local hospital. There is an ongoing fight between the invaders and the Ukrainians.”
Ang Kharkiv, isang siyudad malapit sa Russian border, ay may populasyon na nasa 1.4 million.
Target na ito ng Russian forces mula nang ilunsad ni President Vladimir Putin ang pag-atake sa Ukraine, noong nakaraang Huwebes na tumindi nitong Martes.
Ayon kay Anton Gerashchenko, adviser sa Ukrainian Interior Minister, isang sunog ang sumiklab sa barracks ng isang flight school sa syudad kasunod ng airstrike ngayong Miyerkoles.
Aniya . . . “Practically there are no areas left in Kharkiv where an artillery shell has not yet hit.”
Sa report ng local media banggit si mayor Igor Kolykhayev, nakasaad na iniulat ng mga opisyal sa Kherson sa Black Sea, na umiikot sa siyudad ang Russian checkpoints, at nakontrol ng Russian forces ang railway station at port sa loob lang ng magdamag.
Banggit naman si mayor Vadym Boychenko, iniulat ng Ukrainian media na sa Mariupol, isang port sa Sea of Azov, higit isangdaang katao ang nasaktan nitong Martes sa Russian fire.
Ayon sa deputy minister of foreign affairs ng Ukraine na si Emine Dzhaparova, na nag-share pa ng isang video ng grey buildings na bahagyang sira, na ang mga apartment ay nasusunog, sa Borodyanka, 50 kilometro mula sa Kyiv, winasak ng Russian airstrikes ang dalawang residential buildings nitong Martes.
Nagpahayag din ng pangamba ang Ukrainian Ministry of Defence, ng pag-atake mula sa Belarus.
Aniya . . . “Belarusian troops have been put on high alert and are concentrated in areas closest to the border with Ukraine.”
Nitong Martes, binanggit ng Ukrainian intelligence ang “significant activity” ng aircraft sa border area, at may naobserbahan ding convoys ng mga sasakyan na may dalang pagkain at ammunition.
Dahil sa mga galaw na ito, nagbabala ang ministry na maaaring suportahan ng Belarus ang Russian invaders sa Russian-Ukrainian war sa hinaharap.
Dagdag pa nito . . . “Missile attacks against military and civilian targets in Ukraine have been ‘systematically’ launched from Belarusian territory since the start of the Russian invasion on February 24.”