Russian at Belarusian athletes, hindi kasama sa Paris Olympics opening ceremony
Inanunsiyo ng Olympic chiefs na hindi magiging bahagi ng opening ceremony ang Russian at Belarusian athletes na lalaban sa Paris Games ngayong summer sa ilalim ng isang neutral flag.
Sinabi ni OIC director James Macleod pagkatapos ng isang executive board meeting ng International Olympic Committee (IOC) sa Lausanne, “Individual Neutral Athletes (AINs) from either country ‘will not participate in the parade of delegations and teams’ during the opening ceremony since they are individual athletes. But an opportunity will be provided to them to experience the event.”
Ayon kay Macleaod, ang AINs ay nasa site, ngunit hindi kasama sa mga pasahero ng boat parade sa River Seine sa July 26.
Aniya, “The scenario mirrored that at the 1992 Barcelona Games for ‘Independent Olympic Participants from former Yugoslavia. The decision regarding the participation of AINs in the closing ceremony will be taken at a later stage, taking into consideration that it is not teams that enter the closing ceremony, but all athletes jointly together.”
Ang mga atleta mula sa Russia at Belarus ay kapwa pinagbawalan nang dumalo sa opening ceremony ng Paralympics, na magsisimula sa Paris sa August 28, halos mahigit dalawang linggo pagkatapos ng Olympics.
Noong Disyembre ay sinuspinde ng IOC ang Russia sa 2024 Games, ngunit binigyan sila ng ‘green light’ para sa Russian at Belarusian athletes na lumahok bilang neutrals basta’t hindi sila aktibong susuporta sa giyera sa Ukraine.
Naharap na sa maraming sanctions ang mga atleta mula Russia at Belarus mula sa maraming sports simula nang ilunsad ng Moscow ang kanilang pag-atake sa Ukraine noong February 2022.
Sa nakalipas na taon, pinaluwag ng ilang Olympic sports ang mga paghihigpit, na nagpapahintulot sa mga atleta mula sa parehong bansa na bumalik sa kompetisyon sa ilalim ng ilang mga kundisyon.
Gayunman, ang Russians at Belarusians ay namalaging banned sa athletics.
Dagdag pa ni Macleod, sa kasalukuyan ay mayroong 12 AINs na may Russian passport at pitong AINs na may Belarusian passport na nag-qualify para sa Paris 2024, mula sa 6,000 quota places na napahintulutan na para sa Olympic Games Paris 2024.
Sa kasalukuyan ay inaasahan na malamang kaysa hindi ay 36 na AINs na may Russian passport at 22 AINs na may Belarusian passport ang magku-qualify para sa Olympic Games.
Sinabi ni Mcleod, ‘The maximum number that was unlikely to be reached, would be 55 and 28 respectively.
Mayroong 330 Russian athletes at 104 mula sa Belarus ang lumahok sa Covid-delayed Tokyo Games.
Sinabi ng IOC na magkakaroon ng sariling bandila ang mga AIN at isang lyric-less anthem. Ang mga medalyang napanalunan ng mga AIN ay hindi idi-display sa overall medal table.
Ayon sa OIC, “No flag, anthem, colors or any other identifications whatsoever of Russia or Belarus will be displayed at the Olympic Games Paris 2024 in any official venue or any official function. No Russian or Belarusian government or state officials will be invited to or accredited for the Olympic Games Paris 2024.”