Russian jet bumangga sa isang gusali sa Siberia, dalawang piloto patay
Dalawang piloto ang nasawi makaraang bumangga sa dalawang palapag na gusali sa Irkutsk City sa southern Siberia, ang isang Russian jet na nagsasagawa ng test flight.
Ang aksidente ay nangyari ilang araw matapos bumangga ng isang military jet sa isang bloke ng flats sa Russian town ng Yeysk, na ikinasawi ng isang dosenang katao na kinabibilangan ng mga bata.
Sinabi ni regional Governor Igor Kobsev, “A Su category plane hit a two-storey building in Irkutsk on Przhevalskogo street,” na kinumpirma naman ng emergencies ministry sa pagsasabing “a Su-30 aircraft crashed during a test flight.”
Kalaunan ay sinabi ni Kobzev na dalawang piloto ang namatay sa aksidente, ngunit wala namang local residents na nasaktan.
Nag-post siya ng video ng gusali, na aniya ay pribadong tahanan para sa dalawang pamilya na ang sukat ay 100 metro kuwadrado, habang may lumalabas na usok mula rito patungo sa kalangitan.
Kita rin sa video ang mga bumbero habang inaapula ang apoy na sanhi ng pagbangga ng jet.
Ayon sa investigative committee ng Russia, naglunsad na sila ng isang criminal case kaugnay ng insidente.
© Agence France-Presse