Russian PM bibisita sa China sa susunod na linggo
(Photo by GREG BAKER / AFP)
Inihayag ng foreign ministry ng Beijing at ng Kremlin, na bibisita sa China si Russian Prime Minister Mikhail Mishustin simula May 23 hanggang 24.
Sinabi ng tagapagsalita ng foreign ministry na si Wang Wenbin, “At the invitation of Premier Li Qiang of the State Council, Russian Federation Prime Minister Mishustin will pay an official visit to China from May 23 to 24.”
Sa kanila namang pagkumpirma sa nabanggit na pagbisita, sinabi ng Kremlin, “Russian-Chinese cooperation in trade and economic spheres will be discussed. Particular attention will be given to the industry, energy, transport infrastructure and agriculture, a number of bilateral agreements were expected to be signed.”
Sa kaniyang pagbisita ay pupuntahan din ni Mishustin ang Shanghai, kung saan magsasalita ito sa isang Russian-Chinese business forum, ayon sa Kremlin.
Ang Russia at China ay may malapit na relasyon, kung saan si President Xi Jinping ay bumisita rin sa Moscow noong Marso at sinabi na ang kanilang ugnayan “ay pumapasok na sa bagong era.”
Bagama’t sinasabi ng China na ‘neutral’ ito tungkol sa giyera sa Ukraine war, nakatanggap naman ito ng batikos dahil sa pagtanggi na kondenahin ang Moscow sa ginawang pananakop.
Bumisita ang Chinese envoy na si Li Hui sa Kyiv sa linggong ito, kung saan sinabi nito kay Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba at iba pang mga opisyal, “there is no panacea to resolve the crisis.”