Russian President Putin nangakong daragdagan ang mga bakunang ipadadala sa bansa
Daragdagan pa ng Russia ang ipadadala sa bansa na Gamaleya Sputnik V anti-Covid-19 vaccine.
Ito ang inihayag ng Malakanyang matapos ang telesummit conference nina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian President Vladimir Putin.
Nag-usap sa telepono ang dalawang lider sa selebrasyon ng ika-45 na anibersaryo ng Bilateral relations ng Pilipinas at Russia.
Sa naturang pagpupulong, nangako si Putin na daragdagan pa ang mga bakunang ipadadala sa Pilipinas.
Ang Gamaleya Sputnik V na gawang Russia ang isa sa anti COVID 19 vaccine na ginagamit sa mass vaccination program ng pamahalaan.
Nagpasalamat naman si Pangulong Duterte kay President Putin sa tulong na ibinibigay ng Russia sa Pilipinas.
Nagpahayag ng kahandaan ang Russia na mag-angkat ng produktong agrikultura ng Pilipinas.
Susuportahan din ng Russia ang Transportation Infrastructure projects, Renewable energy facilities at suplay ng military equipment para sa pagpapatuloy ng modernisasyon ng Armed Force of the Philippines.
Vic Somintac