Russian state media, pinagbawalan ng Facebook sa pagpapatakbo ng mga ad at pag-monetize
Nilimitahan na ng Facebook ang kakayahan ng Russian state media para kumita ng pera sa social media platform, habang ang pagsalakay ng Moscow sa Ukraine ay umabot na sa mga lansangan ng Kyiv.
Ayon kay Nathaniel Gleicher, security policy head ng Facebook . . . “We are now prohibiting Russian state media from running ads or monetizing on our platform anywhere in the world. Facebook would continue to apply labels to additional Russian state media.”
Una nang sinabi ng Meta, parent company ng Facebook na lilimitahan na ang mga serbisyo ng Russia matapos tumanggi sa utos ng mga awtoridad na itigil na ang paggamit ng mga fast-checker at content warning labels sa mga platform nito.
Ang Social media networks ay isa sa naging fronts ng pananakop ng Russia sa Ukraine, tahanan ng minsan ay misleading information nguni’t maging ng real-time monitoring ng isang mabilis na nabuong hidwaan na naging tanda ng pinakamalaking geopolitical crisis sa Europe sa nakalipas na mga dekada.
Wika ni Nick Clegg ng Meta . . . “Yesterday, Russian authorities ordered us to stop the independent fact-checking and labelling of content posted on Facebook by four Russian state-owned media organizations. We refused.”
Ang kaniyang pahayag ay lumabas ilang oras, matapos sabihin ng media regulator ng Russia na lilimitahan na nito ang pag-access sa Facebook, at inakusahan ito ng censorhip at paglabag sa karapatan ng mga mamamayan ng Russia.
Nitong Miyerkoles ay nagpalabas din ang Facebook ng isang feature sa Ukraine na nagpapahintulot sa mga tao na i-lock ang kanilang profiles para sa dagdag na seguridad, gamit ang isang tool na ginamit din ng kompanya makaraang bumagsak ang Afghanistan sa Taliban noong nakaraang taon.
Sinabi ni Gleicher na nagset-up ang Facebook ng isang Special Operations Center para ma-monitor ang sitwasyon sa Ukraine bilang tugon sa military conflict.