Rwanda hinimok ng France na ihinto na ang pagsuporta sa M23 rebels at i-pull out ang kanilang mga sundalo sa DR Congo
Hinimok ng France ang Rwanda na ihinto na ang “lahat ng suporta” para sa M23 rebels sa Democratic Republic of Congo (DRC), at i-pull out na ang kanilang mga sundalo doon.
Sinabi ng foreign ministry, “We call on Rwanda to cease all support to the M23 and to withdraw from Congolese territory. M23 must cease fighting immediately and withdraw from all areas it occupies.”
Ayon sa DRC, United Nations at Western countries, sinusuportahan ng Rwanda ang mga rebelde sa silangan ng bansa upang makontrol ang malawak na mineral resources doon, ngunit pinabulaanan ng Rwandan government ang mga alegasyon.
Nitong nakalipas na mga araw ay sumidhi ang mga labanan sa pagitan ng karamihan ay Tutsi M23 rebels at Congolese government forces sa paligid ng bayan ng Sake, 20km mula sa Goma sa North Kivu province.
Makaraan ang ilang taong pananahimik, muling nabuhay ang M23 (March 23 Movement) sa mga huling bahagi ng 2021 at mula noon ay nakubkob nito ang malaking bahagi ng Nord Kivu province.
Ilang dekada nang nililigalig ng militias ang eastern DRC, mga minanang regional war noong 1990s at mga unang bahagi ng 2000s.