Sa unang pagkakataon, NATO nag-deploy ng response force
Sinabi ni North Atlantic Treaty Organization (NATO) chief Jens Stoltenberg, na sa unang pagkakataon ay idi-deploy ng alyansa ang kanilang rapid response force, para palakasin ang depensa sa harap ng pananakop ng Russia sa Ukraine.
Ayon kay Stoltenberg . . . “It is still a fluid situation. What we have seen is that the Ukrainian forces are fighting bravely and are actually able to inflict damage on the invading Russian forces. It is a full invasion of Ukraine. They are moving towards Kyiv and the stated goal is to change the government of Ukraine.”
Babala pa nito . . . “The Kremlin’s aggression had created a ‘new normal,’ threatening Europe’s broader security beyond non-NATO member Ukraine. We have already strengthened our deterrence and defence. Yesterday, allies activated our defence plans and, as a result, we are deploying elements of the NATO Response Force (NRF) on land, at sea, and in the air to further strengthen our posture and to respond quickly to any contingency.”
Ang pinakabagong hakbang ng NATO ay naglalayong palakasin ang kanilang mga depensa, matapos na ang kanilang mga ka-alyado sa pangunguna ng Estados Unidos ay agad na nagpadala ng libu-libong tropa sa kanilang eastern members, habang ang Kremlin ay pumapasok na sa Ukraine.
Ani Stoltenberg . . . “We have over 100 jets at high alert, operating in over 30 different locations and over 120 ships from the high north to the Mediterranean. This is to preserve peace to prevent an attack and to prevent that the war which is going on in Ukraine spills over to any NATO allied country.”
Hindi naman siya nagbigay ng mga detalye kung saan ipadadala ang response forces, sa pagsasabing bahala rito ang top military commander ng NATO.
Itinatag noong 2003, ang NRF ay binubuo ng 40,000 personnel at kinabibilangan ng 8,000-strong high-readiness contingent na may air, sea at special operations soldiers, na maaaring i-deploy anomang araw.
Sa Washington, sinabi ni Pentagon spokesman John Kirby na ang Estados Unidos ay may tropa na kasalukuyang nasa Europe, at pitong libo pa ang inatasang i-deploy sa Germany ngayong linggo, at ang iba naman ay naka-standby sa US.
Sinabi ni Kirby, na kung aling tropa at kung gaano karami ay depende sa magiging pangangailangan ng NATO.
Aniya . . . “Whatever those requirements are… the United States is ready to lean forward as much as possible.”
Binigyang-diin niya na ang NRF ay magbibigay proteksiyon sa NATO countries, at hindi lalahok sa bakbakan sa Ukraine, na hindi miyembro ng alyansa.
Gayunpaman, sinabi niya, na ang nag-trigger para pakilusin ang NRF “ay ang labag sa batas na pagsalakay ng Russia sa Ukraine.”
Dagdag pa nito . . . “We’re going to do what we need to do to defend every inch of NATO territory.”