Sa unang pagkakataon, North Korean missile bumagsak malapit sa South Korean waters
Nagpakawala ang North Korea ng halos 10 missiles ngayong Miyerkoles, kabilang ang isa na bumagsak malapit sa territorial waters ng South Korea na nagbunsod sa pagpapalabas nito ng warning sa mga tao sa isla na magtago sa mga bunker.
Sinabi ni Kang Shin-chul, director of operations para sa Joint Chiefs of Staff (JCS), “The North Korean missile launch is very unusual and unacceptable as it fell close to South Korean territorial waters south of the Northern Limit Line for the first time since the peninsula was divided. We declare that our military will respond decisively to this.”
Ayon sa JCS, isang air raid warning ang inilabas para sa isla ng Ulleungdo, na ipinakita sa national television at sinabihan ang mga residente na “lumikas sa pinakamalapit na underground shelter”.
Sa isang pahayag, inilarawan ng JCS ang missile launch malapit sa South Korean territorial waters na “very rare and intolerable. Our military vowed to respond firmly to this (provocation).”
Una nang sinabi ng JCS na naka-detect ito ng tatlong short range ballistic missiles, pero kalaunan ay inanunsiyo na ang North Korea ay nagpakawala ng hindi bababa sa 10 missiles na iba’t ibang uri patungo sa silangan at kanluran.
Nagpatawag naman si South Korean President Yoon Suk-yeol ng isang National Security Council kaugnay ng missile launch, at ipinag-utos ang isang “swift and stern measures so that North Korea’s provocations pay a clear price.”
Kinumpirma rin ng Japan ang North Korean missile launches, kung saan sinabi ni Prime Minister Fumio Kishida sa mga mamamahayag, na plano niyang magpatawag ng isang “national security meeting as soon as possible.”
Ayon sa militar, isa sa pinakawalang missiles ngayong Miyerkoles ay bumagsak sa katubigan, 57 kilometro lamang o 35 milya sa silangan ng South Korean mainland.
Ang pinakahuling paglulunsad ng Pyongyang ay ginawa habang isinasagawa ng Seoul at Washington, ang pinakamalaki nilang joint air drills, na tinawag na “Vigilant Storm,” at kinasasangkutan ng daan-daang warplanes mula sa magkabilang panig.
Sinabi ni Cheong Seong-chang, isang researcher sa Sejong Institute, “In protest of the joint US-South Korea drill, Pyongyang seems to have staged the most aggressive and threatening armed demonstration against the South since 2010.”
© Agence France-Presse