Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming dekada, mas maraming Amerikano ang bumibili ng vinyl kaysa CDs
Sa unang pagkakataon mula noong 1987, dinaig ng vinyl records ang compact discs kung ang pag-uusapan ay nabebentang units.
Ang kita mula sa bentahan ng physical records ay umakyat ng apat na porsiyento noong 2022 sa $1.7 billion, ayon sa inilabas na pinakahuling ulat mula sa Recording Industry Association of America (RIAA).
Ang mga consumer ay nakabili ng 41 million vinyl units noong nakaraang taon kumpara sa 33 million CDs.
Ang popularidad ng vinyl ay patuloy na lumago nitong nagdaang mga taon, na pinalakas ng mga collector.
Ang kita mula sa CDs ay nagsimula nang malampasan ng kita mula sa physical records batay sa 2020 report, ngunit ito ang unang pagkakataon sa loob ng higit tatlong dekada na mas maraming vinyl units ang nabili kaysa compact discs.
Gayunman, nananatili ang paghahari ng streaming, dahil ang mga serbisyo kabilang ang paid subscriptions at ad-supported platforms ay lumago ng pitong porsiyento upang maabot ang record high na $13.3 bilyong kita, na kumakatawan sa 84 na porsiyento ng kabuuan.
Malaking bahagi nito ay mula sa paid subscriptions na kumakatawan sa 77 porsiyento ng streaming revenues, at lumampas sa $10 billion sa unang pagkakataon.
Ayon sa RIAA, 92 milyong katao ang paid subscribers na ngayon ng isang streaming service, mas mataas mula sa 84 na milyon nang sinundang taon.
Ang kabuuang record music revenues ay lumago sa ikapitong sunod na taon, ayon sa RIAA, mas mataas ng anim na porsiyento sa record high na $15.9 billion.
© Agence France-Presse