Sahod ng mga mangagawa sa M. Mla, tataas na sa Oktubre

Simula sa susunod na buwan mararamdaman na ang pagtaas ng suweldo ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Metro Manila.

Ito’y makaraang aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang 21 pisong umento sa suweldo bunsod ng kabi-kabilang petisyong inihain sa kanila.

Dahil dito, magiging 512 piso na ang arawang sweldo ng mga manggagawa sa Metro Manila mula sa dating 491 piso kada araw.

Magugunitang tatlong unyon ng mga manggawa ang nagpetisyon wage board para sa umento sa suweldo nuong buwan ng Hunyo.

Tinawag namang barya ng ALU – TUCP o Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines ang inaprubahang umento sa sahod ng wage board.

Ayon kay ALU-TUCP Spokesman Alan Tanjusay hindi magagawang maiahon sa kahirapan ang mga manggawa sa 21 Pisong umento sa arawang sahod .

Sa katunayan aniya, P184 ang kanilang hinihiling na umento sa panig ng ALU habang P259 naman ang inihihirit na umento ng TUCP.

Kasunod nito, muling nanawagan si Tanjusay kay Pangulong Rodrigo Duterte na pagbigyan ang kanilang hiling na P500 subsidiya para sa mga minimum wage earners.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *