Samar Pacific Coastal Road, bukas na sa mga motorista
Maaari nang daanan ang 11.6 kilometrong Samar Pacific Coastal Road na magdudugtong sa mga bayan ng Simora Laoang, Palapag at Catubig sa nasabing lalawigan.
Ang proyekto na ito ay sinimulan noong 2018 sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, pero naantala dahil sa COVID-19 pandemic.
Pinangunahan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas nito.
Ayon kay PBBM, inaasahang kasunod na nito ang pag-unlad pa ng Northern Samar.
“With the opening of this road and its bridges, the development of Northern Samar’s rich agricultural lands and bountiful fishing grounds will follow suit,” pahayag ni PBBM.
Dahil sa proyekto, mas mapapabilis umano ang delivery at galaw ng basic goods, mga serbisyo at mas mapagbubuti ang pagpapairal ng peace and order situation sa lalawigan.
Pinasalamatan naman ng pangulo ang Korean government sa pamamagitan ng Export-Import Bank of Korea sa suporta para maisakatuparan ang proyekto.
Nabatid na may 21 proyekto sa bansa na popondohan ng Korean government.
Madelyn Moratillo