Sampu patay sa traffic accident sa Mexico
Sampu katao ang namatay nang magbanggaan ang isang van at isang trak sa north-central state ng San Luis Potosi sa Mexico.
Ayon sa local prosecutor’s office, ang aksidente na nangyari sa bayan ng Rioverde ay ikinamatay ng limang babae, apat na minors at isang lalaki, at sinabi pang mayroon ding hindi pa matiyak na bilang ng mga nasaktan.
Dagdag pa nito, ang sanhi ng aksidente ay iniimbestigahan na.
At least 10 people died Saturday when a van and truck collided in Mexico’s north-central state of San Luis Potosi, local authorities said. Screen grab: AFPTV
Ayon sa latest data mula sa National Institute of Statistics and Geography (INEGI), nitong nagdaang mga taon ay tumaas ang transit accidents sa Mexico, kung saan mula sa 301,678 na naitala noong 2020 ay umabot na ito sa 377,231 noong 2022.
Nito lamang nakalipas na Linggo, limang turistang taga Argentina at isang Mexican citizen ang namatay sa isang aksidente sa Quintana Roo, ang coastal state na kilala sa kanilang tourist sites gaya ng Cozumel at Cancun.
Sa huling bahagi naman ng Enero, 19 katao ang namatay at 22 ang nasaktan sa isang aksidenteng kinasangkutan ng isang bus at isang tractor-trailer, sa estado ng Sinaloa sa hilagang-kanluran ng Mexico.