Sampu patay sanhi ng pagbagsak ng bubungan ng isang simbahan sa Mexico
Hindi bababa sa sampu katao ang namatay kabilang ang tatlong bata, at 60 iba pa ang nasaktan nang bumagsak ang bubungan ng isang simbahan sa northeastern Mexico.
Nangyari ang sakuna sa coastal town ng Ciudad Madero, sa estado ng Tamaulipas, kung saan sinabi ng isang Red Cross rescuer sa mga mamamahayag na 80 katao ang nasa loob ng Santa Cruz parish nang bumigay ang bubong nito.
Sinabi ni Americo Villareal, gobernador ng Tamaulipas, “Unfortunately, ten people are confirmed dead. Of these, five are women, two men and three children.”
Aniya, tinatangka ng rescue workers na makuha ang bangkay ng isang babae mula sa guho, ngunit hindi na inaasahang mararagdagan pa ang bilang ng namatay dahil natukoy na rin ang lahat ng nawawala.
Dagdag pa ng gobernador, hindi bababa sa 60 katao ang ginamot matapos magtamo ng injuries, at 23 dito ay nasa pagamutan pa subalit nanganganib naman ang dalawa na malubha ang kondisyon.
This handout picture released by the Tamaulipas Civil Protection shows rescuers and members of Civil Protection working to rescue people who were trapped after a church roof collapsed in Ciudad Madero, Tamaulipas State, Mexico, on October 1, 2023. (Photo by Handout / Tamaulipas Civil Protection / AFP)
Nagmadaling makarating sa pinangyarihan ng sakuna ang mga ambulansiya, patrol cars at mga tauhan ng pulis at militar, bukod pa sa maraming taong naroroon na naghahanap ng miyembro ng kanilang pamilya na nasa loob ng simbahan nang mangyari ang sakuna.
Sa isang eksenang gaya sa earthquake recovery efforts, makikitang itinaas ng rescuers ang kanilang mga kamao sa ere bilang panawagan sa mga tao na tumahimik, upang marinig nila sakaling may humihingi ng tulong sa ilalim ng guho.
Sinabi ni Villareal, “Security and civil protection forces are already dealing with the situation… to coordinate rescue plans.”
Nanawagan naman ang mga lokal na residente sa social media at nanghihingi ng mga kagamitan upang tumulong sa rescue effort, gaya ng hydraulic lifts, kahoy at martilyo.
Ang Ciudad Madero na nasa baybayin ng Gulf of Mexico, ay lungsod na mayroon lamang higit 200,000 naninirahan.