Sampung pinakamabagsik na mga lindol ng ika-21 siglo
Ang napakalaking lindol na tumama sa Turkey at Syria noong Pebrero 6 ay ang ika-5 pinakamabagsik ngayong siglo.
Narito ang talaan ng sampung pinakamalalang mga lindol simula noong 2000, na nakaayos batay sa bilang ng mga namatay:
– 2004: 230,000 dead, southeast Asia –
Noong Disyembre 26, isang napakalaking 9.1-magnitude na lindol ang tumama sa baybayin ng Sumatra, na nagbunsod ng isang tsunami na pumatay ng higit sa 230,000 katao sa buong rehiyon, kabilang ang 170,000 sa Indonesia pa lamang.
Nilamon ng mga alon na may taas na 30 metro (100 talampakan), na ang paggalaw ay may bilis na 700 kilometro bawat oras (435 milya bawat oras), ang lahat ng maraanan nito.
– 2010: 200,000 dead, Haiti –
Sinalanta ng isang magnitude 7 na lindol noong Enerio 12 ang Port-au-Prince, kapitolyo ng Haiti at nakapaligid na mga rehiyon.
Ang lindol ay ikinasawi ng mahigit 200,000 katao, nag-iwan ng 1.5 milyon na walang tirahan at sinira ang karamihan sa mahihinang imprastraktura ng Haiti.
Oktubre ng kaparehong taon, ang Haiti ay tinamaan din ng isang epidemya ng cholera, na dala ng Nepalese peacekeepers na dumating pagkatapos ng lindol. Ikinasawi ito ng higit sa 10,000 katao.
– 2008: 87,000 dead, Sichuan –
Higit sa 87,000 katao, kabilang ang 5,335 mga estudyante ang namatay o nawala nang tumama ang isang 7.9-magnitude na lindol sa southwestern Sichuan province noong Mayo 12.
Ang lindol ay nagbunga ng galit matapos matuklasan na 7,000 mga eskuwelahan ang lubhang napinsala, na nagbunsod ng mga akusasyon ng hindi maayos na konstruksyon, tinipid at posibleng korapsyon, laluna at marami sa iba pang mga gusaling malapit lamang sa napinsalang mga paaralan ang namalaging nakatayo pagkatapos ng lindol.
– 2005: 73,000 dead, Kashmir –
Namatay ang higit sa 73,000 katao sa lindol na nangyari noong Oktubre 8, na karamihan ay sa North-West Frontier Province ng Pakistan at sa Pakistani-administered zone ng Kashmir.
Na-displace naman ang 3.5 milyong iba pa.
– 2023: 35,000 dead, Turkey and Syria –
Noong Pebrero 6, isang 7.8-magnitude na lindol ang tumama malapit sa Turkish city ng Gaziantep, malapit sa Syrian border.
Ang pinakamalaking lindol sa Turkey sa halos isang siglo, na sinundan ng isang 7.5 magnitude aftershock, ay naging sanhi ng pagkawasak ng mga lugar sa mga siyudad sa southeastern Turkey at sa hilagang bahagi ng Syria na pininsala na rin ng giyera.
Hanggang nitong Pebrero 13, ang mga namatay ay umabot na sa 35,224.
– 2003: 31,000 dead, Bam (Iran) –
Sinira ng isang 6.6-magnitude na lindol sa southeastern Iran noong Disyembre 26, ang sinaunang mud-brick city ng Bam, na ikinamatay ng hindi bababa sa 31,000 katao.
Halos 80% ng imprastraktura ng Bam ay napinsala at ang desert citadel, na dati ay ikinukonsiderang pinakamalaking gusaling yari sa adobe sa buong mundo, ay bumagsak.
– 2001: 20,000 dead, India –
Isang malaking 7.7-magnitude na lindol noong Enero 26 ang tumama sa western Indian state ng Gujarat, na pumatay sa higit 20,000 katao.
Pinadapa ng lindol ang mga gusali sa buong estado, kung saan marami ang namatay sa bayan ng Bhuj malapit sa border nito sa Pakistan.
– 2011: 18,500 dead, Japan –
Noong Marso 11, ang Japan ay niyanig ng isang napakalaking 9.0-magnitude na lindol, na nagdulot ng napakataas na tsunami.
Humigit-kumulang sa 18,500 katao ang naiwang patay o nawawala, matapos pantayin ng tubig na ang bilis ay singbilis ng sa isang jet plane, ang mga komunidad sa kahabaan ng northeastern coast.
Sinundan ito ng meltdown ng Fukushima Daiichi nuclear plant, na naging sanhi para mabalot ng radiation ang mga kalapit na lugar dahilan para sa loob ng maraming taon ay hindi matirhan ang ilan sa mga bayan at nagbunsod para ma-displace ang libu-libong mga residente.
– 2015: 9,000 dead, Nepal –
Niyanig ng isang 7.8-magnitude na lindol noong Abril 25 ang central Nepal, na nag-trigger ng mga avalanche at landslides sa buong Himalayan, na gumiba sa mga paaralan at mga ospital.
Ang lindol ay ikinasawi ng halos 9,000 katao habang milyun-milyon naman ang nawalan ng tahanan. Giniba rin nito ang higit sa kalahati ng daan-daang mga monumento, kabilang ang sinaunang matatandang mga templo at maharlikang mga palasyo sa Kathmandu valley.
– 2006: 6,000 dead, Java –
Noong Mayo 26, isang 6.3-magnitude na lindol ang yumanig sa southern coast ng Indonesian island ng Java, malapit sa siyudad ng Yogyakarta, na ikinamatay ng humigit-kumulang 6,000 katao.
Higit 420,000 ang nawalan ng tahanan at humigit-kumulang 157,000 mga bahay ang nawasak.
© Agence France-Presse