Sampung Russians, lalahok sa Tokyo Olympic athletics sa ilalim ng neutral flag
PARIS, France (AFP) – Sampung Russian track and field athletes ang lalaban sa Tokyo Olympics, ngayong ibinalik na ng World Athletics ang kanilang Authorised Neutral Athlete (ANA) scheme, matapos ang isang council meeting nitong Huwebes.
Ayon kay Rune Andersen, chairman ng Russian Taskforce na nangangasiwa sa resinstatement efforts ng Russia, nagpasya ang konseho na payagan ang ANAs na muling makalahok sa Olympic Games ngunit hanggang sampu lamang ang pwedeng payagang lumaban sa mga kompetisyon.
Sa ilalim ng ANA scheme, ang Russian competitors na makapapasa sa mahigpit na anti-doping criteria ay pinapayagang lumahok sa global track and field events, subalit ito’y sa ilalim ng isang neutral flag at neutral clothing.
Pansamantalang itinigil ng World Athletics ang ANA scheme noong November 2019, bilang bahagi ng pagsuspinde sa Russian athletics federation (RusAF) reinstatement process, kasunod ng mga paratang ng track doping watchdog Athletics Integrity Unit (AIU), na tumulong ang RusAF para pagtakpan ang hindi pagkuha ng test ng Russian high jumper na si Danil Lysenko.
Ibig sabihin, walang Russian athletes na makalalahok sa European indoor championships sa Torun, Poland ngayong buwan.
May 29 na Russians na lumaban bilang ANAs sa Doha world champs noong September/October 2019, kung saan nanalo sila ng dalawang ginto, tatlong pilak at isang tansong medalya.
Ayon sa World Athletics, ang pagtatakda ng sampung atleta ay ipatutupad hanggang sa katapusan ng taon, at pagkatapos ay muling i-a-assess.
Simula pa noong 2015 ay naharap na sa krisis ang mga atletang Ruso, nang suspendihin ang kanilang pederasyon dahil sa paulit-ulit na state-sponsored doping scandals.
Ang taskforce ng independent experts na pinamumunuan ni Andersen ay bumuo ng plano para sa reinstatement ng Russian membership sa World Athletics.
Ayon sa taskforce at RusAF, ang proposal ang isang detalyadong daan para muling manumbalik ang tiwala..
Sinabi ni Andersen . . . “I emphasised in my report and council members clearly agreed that getting the plan into place is just a start. “It won’t mean anything unless RusAF now carefully and consistently completes all of the enormous work that is required to implement the plan and to put in place the enduring change in culture that Russian athletics so desperately needs.”
Ayon naman kay World Athletics president Sebastian Coe . . . “decision today to move ahead to re-implement the ANA status is a good one. We will try and do that as quickly, as sensibly and as carefully as we can. “It’s in everyone’s interest now that the council has accepted the reinstatement plan.”
© Agence France-Presse