San Jose Del Monte, Bulacan nakapagtala ng 7 gumaling mula sa COVID-19

135869019_121703616437710_8425332422569720980_n

Nakapagtala ng pitong COVID-19 recoveries ang San Jose Del Monte (SJDM) Bulacan.

Sa kabuuan ay 93% o 1,622 na ang bilang ng mga gumaling mula sa sakit sa SJDM.

Samantala, isang bagong kaso naman ang naitala mula sa Barangay Gumaoc East. Bunsod nito ay umabot na sa 1,739 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Bumaba naman sa tatlompu’t lima o katumbas ng 2% ang natitirang active cases, kung saan 25 rito ay mula sa District 1 at sampu sa District 2. Habang 82 o 5% naman ang naitalang namatay dahil sa virus sa lungsod.

Apatnapu’t isang mga barangay naman ang wala nang aktibong kaso ng COVID-19, 13 rito ay mula sa District 1 at 28 ang mula sa District 2.

Ulat ni Gilian Elpa

Please follow and like us: