San Juan City Government nagbayad na ng downpayment sa AstraZeneca para sa biniling COVID-19 vaccines
Nagbayad na ng downpayment ang lokal na pamahalaan ng San Juan City sa AstraZeneca para sa biniling COVID-19 vaccines.
Sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na parte ito ng kanilang contractual obligation para sa 100,000 doses ng bakuna na kanilang inorder mula sa pharmaceutical company.
Ang San Juan City ay una nang lumagda sa tripartite agreement sa AstraZeneca at national government para sa pagbili ng mga bakuna kontra COVID.
Hindi isinapubliko ang halaga ng bakuna dahil sa non-disclosure provision sa kontrata.
Sinabi ng alkalde na habang hinihintay ang mga bakuna ay regular nilang isinasagawa ang mga simulation activities para mapagbuti ang kanilang vaccination process.
Sa pinakahuling tala ng city government, umaabot na sa
27,065 residente ang nagparehistro para sa COVID vaccination o 31.69% ng target population na 85,400.
Mahigit 3,400 sa mga vaccine registrants ay mga healthcare workers.
Moira Encina