Sandiganbayan naglabas na ng warrant of arrest laban kay dating Vice President Jejomar Binay at iba pa kaugnay ng kontrobersyal na Makati carpark building
Nakitaan ng Sandiganbayan 3rd division ng sapat na batayan para maglabas ng warrant of arrest laban kay dating Vice President Jejomar Binay at iba pa kaugnay ng kontrobersyal na Makati Carpark building na ipinatayo nito noong alkalde pa ito.
Pero bago pa man mailabas ang warrant of arrest ay nakapaglagak na ng piyansa si Binay sa mga kasong graft, malversation of public funds at falsification of public documents.
Kaugnay nito, itinakda na ng anti graft court sa Setyembre 29 ang arraignment laban kina Binay sa ganap na 8:30 ng umaga.
Ang kaso ay kaugnay ng anomalya sa kontrata ng Makati City government at architectural and engineering services para sa pagpapatayo ng phase I, II at III ng Makati City Hall parking building.
Overpriced ang ipinagawang plano at ang ipinatayong imprastraktura at minanipula ang isinagawang bidding upang makuha ang kontrata ng piniling contractor.
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo