Sandstorm nanalasa sa East Libya, mga paliparan nagsara
Isang malakas na sandstorm ang nanalasa sa buong eastern Libya, sanhi upang maantala ang mga biyahe sa himpapawid at magsara ang mga paliparan, maging ang public administration at mga eskuwelahan sa rehiyon.
Ayon sa ulat ng local media, “Traffic at airports in Benghazi and Tobruk was suspended until further notice,” at nagpakita ng mga larawan ng mga runway na natabunan ng buhangin.
Sinabi ni Saleh al-Amrouni, manager ng Benina International Airport sa Benghazi, “All flights to and from the Benina International Airport (in Benghazi) have been postponed due to poor visibility and poor weather conditions.”
Inanunsiyo naman ng mga awtoridad na ‘public holidays’ ang Lunes at Martes dahil sa ‘masamang lagay ng panahon’ batay sa ulat ng national press agency na Lana News.
Kabilang sa mga lugar kung saan idineklara ang isang state of emergency ay ang Derna, kung saan mahigit sa 4,300 katao ang namatay at mahigit sa 8,000 ang nawala noong Setyembre nang manalasa naman ang matinding baha sa siyudad kasunod nang pag-collapse ng dalawang dam.
Nanawagan din ang mga awtoridad sa law enforcement na limitahan ang trapiko sa kalsada at paggalaw sa mga lugar kung saan nagdulot ng ‘poor visibility’ ang sandstorm.
Sa Tobruk, Al Bayda at Ajdabiya, ang mga tao ay iniulat na pinilit na manatili sa bahay habang ang kalangitan ay naging dilaw sanhi ng sandstorm.