Sanggol, protektado rin laban sa Covid-19, kung ang nagsilang na nanay ay bakunado na
Lumitaw sa pag-aaral ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), na ang sanggol na isinilang ng ina na bakunado kontra Covid-19 ay “60% less likely” na maospital dahil sa severe Covid.
Ayon sa CDC . . . “Such an effect had been hypothesized — because of the transfer of antibodies through the placenta during pregnancy and through breast milk after birth — but wasn’t backed by real world evidence until now.”
Isinagawa ng CDC ang pag-aaral sa 379 sanggol na edad anim na buwan pababa, na naospital sa 20 pediatric centers mula Hulyo 2021 hanggang Enero 2022.
Wika ni CDC researcher Dana Meaney-Delman . . . “Babies less than six months old whose mothers were vaccinated were 61 percent less likely to be hospitalized with Covid-19.”
Ayon pa sa ulat, 84% ng mga sanggol na na-ospital dahil sa Covid ay ipinanganak ng mga babaeng hindi nabakunahan noong sila ay buntis pa.
Ang isang sanggol na namatay sa isinagawang pag-aaral, ay isinilang ng isang ina na hindi bakunado.
Binigyang-diin ni Meaney-Delman ang kahalagahan ng maternal vaccination para protektahan ang mga sanggol. [