Sanggol sa Qatar, nasawi dahil sa Covid-19
Isang 3-linggong gulang na sanggol ang nasawi sa Qatar dahil sa severe infection mula sa Covid-19.
Ayon sa public health ministry . . . “A three-week old baby has sadlly died as a result of severe infection from Covid-19. The baby had no other known medical or hereditary conditions, and was the second child to have died in the country since the pandemic began.”
Bihira ang mga batang namamatay dahil sa Covid-19, ngunit nakapagtala ang health authorities sa ilang mga bansa ng pagtaas sa bilang ng mga batang nahahawaan, simula nang kumalat ang Omicron variant.
Pahayag ng Qatari ministry . . . “Youngsters have generally been less at risk of severe Covid infection than older people, but that a greater number of children are being infected in this current wave and needing medical care than in previous waves.”
Ang Qatar ay opisyal na nakapagtala ng halos 300,000 mga kaso ng coronavirus at nasa 600 ang namatay mula sa 2.6 na milyong mga residente nito.