Satellite Registration para sa mga magpaparehistrong botante, ipinagpatuloy ng Comelec
Muling ipagpapatuloy ng Commission on Elections ang Satellite Registration at Voter registration sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ), Modified General Community Quarantine (MGCQ) at mga walang Quarantine classification.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ang registration ay mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.
Isasagawa naman ang disinfection sa mga tanggapan ng Comelec pagkatapos ng bawat araw.
Ang satellite registration naman ay maaari aniyang gawin isang beses isang linggo o kung matapat sa araw ng disinfection na itinakda ng Lokal na Pamahalaan.
Matatandaang sinuspinde ng Comelec ang satellite registration dahil sa banta COVID 19.
Nagpaalala naman ang Comelec sa lahat na tiyakin ang pagsunod sa minimum public health standards kontra COVID-19.
Madz Moratillo