Saudi Arabia, nangangailangan ng 1,000 Pinoy nurse
Mahigit 1,000 Filipina nursse ang kailangan ngayon sa Saudi Arabia.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration o POEA, libre ang magiging aplikasyon sa kanila dahil government to government ang gagawing pagkuha sa mga nurse at hindi idadaan sa mga agency.
Aabot anila sa 4,000 Riyal ang paunang sahod o katumbas ng mahigit 58,000 piso na maaari pang tumaas ng hanggang 90,000 piso.
Maliban sa suweldo, makakakuha rin ang mga nurse ng paid annual vacation leave na may libreng round trip plane ticket pauwi ng pilipinas at libreng pagkain at tirahan.
Para makapag-apply, kailangan munang magparehistro online sa website ng POEA at dapat may Professional Regulation Commission (PRC) license, at dalawang taong karanasan sa pagtatrabaho bilang nurse.
=============