Saudi, nagdaos ng unang concert sa Riyadh mula nang magkaroon ng pandemya
RIYADH, Saudi Arabia (AFP) – Daan-daang katao ang nagtipon-tipon para sa unang concert sa kapitolyo ng Saudi mula nang magkaroon ng pandemya, para panoorin ang pagtatanghal ng Syrian diva na si Assala Nasri at Kuwaiti sentimental singer na si Nabeel Shuail.
Bago pa magpatupad ng mahigpit na restriksiyon isang taon na ang nakalilipas upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19, sinimulan na ng ultra-conservative kingdom na luwagan ang deka-dekada na ring paghihigpit sa entertainment, bilang bahagi ng pagsisikap na mapabuti ang kanilang image at makahikayat ng mga turista.
Apat na taon pa lamang ang nakalilipas nang magsimulang mag-host ng international musicians ang Saudi Arabia, at ilan dito ay sina Janet Jackson, 50 Cent at ang Korean pop group na BTS.
Ang Italian tenor na si Andrea Brocelli ay nakapagtanghal na rin noong Abril sa ancient Saudi city ng Hegra, na isang UNESCO World Heritage site.
Subalit naudlot ang maambisyosong pagsisikap ng bansa na baguhin ang kaniyang global image at maka-attract ng mga turista, dahil sa pandemya.
@ Agence France-Presse